fil.news

Padre Milani: Isang "Bakla" at "Eretero"

Isinulat ni Cristina Siccardi sa Corrispondenza Romana ang tungkol sa Italyanong Pari na si Lorenzo Milani (+1967), kung saan nagsagawa si Papa Francis ng pribadong pagbisitasa kanyang libingan at tinawag si Milani na "isang ulirang lingkod ng Ebanghelyo", "Pinapasalamatan ko ang Panginoon sa pagbibigay sa atin ng pari gaya ni Padre Milani".

Si Milani ay nasangkot sa mga eksperimento sa paaralan, kung saan ang paaralan ay nakita bilang pantubos sa mahihirap at hindi bilang kompesyunaryong lugar. Kung kaya ang mga simbolo ng Kristiyano at sagradong imahe ay kailangang tanggalin at ang krus ay maaaring lehitimong alisin sa mga silid-aralan. Ang kanyang Lettera a una professoressa ("Letter To a Schoolmistress") at naging manipesto sa protesta ng mga estudyanteng Komunista noong 1986 ay umambag sa bigong pagbabago ng paaralan sa Italya.

Noong 1954 si Milani ay inilipat sa may 100 kataong parokya sa Barbania, isinulat niya sa kanyang ina na "halata na sa lahat, na ako ay nakulong dito bilang bakla at ereterong demagogo, na maaaring inamin din ang kanyang pagkakasala sapagkat hindi ako tumanggi". Sa liham ni Milani, madalas ang pagtukoy sa homoseksuwalidad at pedopilya. Kahit si Alberto Melloni, tagapagtanggol ni Milani, ay nagsalita tungkol sa pisikal na pagkabighani ni Milani sa mga batang lalaki at inamin na siya ay bakla.

Ang pangunahing gawa ni Milani ay Esperienze pastorali ("Pastoral Experiences"). Isinulat ng La Civiltà cattolica noong 1958 na ito ay "puno ng pagkahumaling at pagkakasalungatan". Sa Esperienze pastorali isinulat ni Milani ang tungkol sa sarili, "Inalis ko ang kapayapaan sa aking mga tao. Nagpunla lamang ako ng pagkakaiba, talakayan, at magkakasalungat na grupo ng pag-iisip. Palagi kong pinanghahawakan ang mga kaluluwa at mga sitwasyon na may katigasan na naaayon sa pinuno, wala akong mabuting pag-uugali, walang pagpapahalaga, walang taktika, P.146)."

picture: Lorenzo Milani, #newsXlvgnkcmea
151